RSS

Friday, 25 March 2011

Sa Wakas!

pagpasensyahan na po at tagalog itong entry na ito (as if naman madaming nagbabasa! lol). baka lang po me makabasang puti (lalong lalo na ang mga dating pinaglilingkuran ni tantan =D).

ang aking asawa po ay umalis sa kanyang pinagtatrabahuhan dito sa me amin dahil nainis sya sa knyang mga kasamahan. unang una, pinapapasok sila ng sabado at linggo lalo na kung me mga hinahabol silang deadlines. buti sana kung sila ay babayadan ng OT or papayagan lumiban ng ibang araw. kaya lang ito ay magiging "salamat po" na lang. tapos sabi nya, ang daming chismoso sa knila. minsan nga, backstabbing na ang nangyayari. sa sobrang inis nya, umalis sya sa trabaho ng wala pa syang trabahong lilipatan. kakatakot d b? huling araw nya doon ay noong katapusan ng enero.

ok lang na wala syang trabaho ng pagpasok ng pebrero dahil ako ay nakatakdang manganak. at least, makakasama namin sya sa bahay ng hindi kelangan mag-leave. subalit sya ay nagaapply apply naman ng trabaho. mahirap kayang mawalan ng work dahil kelangan mabuhay ng aming pamilya, lalo pa't dalawa na ang aming mga anak.

pinalad naman syang makakuha ng trabaho at nagsimula sa huling linggo ng pebrero. mas malayo sya pero hindi na nya kelangan magbiskleta, na aking ikinatuwa! ok naman ang trabaho nya, mabait ang mga kasamahan subalit itong kumpanyang ito ay hindi kalakihan. ok ang sweldo, mas mataas ng 2k kesa sa iniwan nyang trabaho. at ang maganda nito, makalipas ang 3 bwan, tataas ng dagdag 3k pa ang sweldo. subalit si tantan ay hindi masyado masaya sa trabaho. ito ay dahil lamang wala sya masyadong ginagawa. iniisip nya na wala syang matututunan dahil hindi challenging ang trabaho.

by southafrikanse
nung me mag imbita sa knya na dalawang kumpanya para sa interview, hindi sya nagdalawang isip. pinalad syang tanggapin nung isang kumpanya. ang sweldo ay pareho lamang ng sa pinapasukan nya ngayon pero hindi madadagdagan ng 3k. subalit, sila ay merong mga profit sharing na kung isusuma tutal, mas magiging malaki pa kesa sa 3k na makukuha nya. at eto ay mas malaking kumpanya at pakiramdam ni tantan ay marami syang matutunan. nagpaalam si tantan sa kumpanyang pinapasukan nya ngayon. laking gulat nya ng sya ay inofferan na tataas na agad ang sweldo epektibo ora mismo. wag lang sya umalis. at sinabihan sya na makalipas ang anim na bwan, posibleng magkaron ng profit sharing din sa kumpanya. sabi nya pagiisipan nya. hindi sya umoo pero hindi din humindi. pero nakapag decide na sya na mananatili sa pinapasukan. tutal, mababait naman ang mga kasamahan nya at medyo maluwag sila. pinapayagan ang flexi time.

akala namin ay tapos na ang dilemma. hindi pa pala. ung isa pang kumpanyang naginterview sa knya ay biglang tinawag sya para sa pangalawang interview at makalipas ang ilang araw, sya ay inalok ng trabaho. kwento pa ng recruiter, tinanong sila kung anong sweldo ang sa tingin nila ay ikatutuwa ni tantan at tatanggapin ang trabaho. nagsabi sila ng amount at ang ginawa pa ng kumpanya, dinagdagan pa nila. natuwa si tantan dahil mataas ang value nila sa knya.

kung tutuusin, hindi na dpat pinagiisipan pa kung ano ang pipiliin. etong bagong kumpanya ay mas malaki. ang sweldo ay mas malaki pa ng 500£ dagdag sa 5k na ibibigay nung kasalukyang pinapasukan. mas mahaba din ang bakasyon, 26 araw kumpara sa 20 araw lamang nitong isa (hindi kasama ang public holidays). me mga vouchers din, social funds, etc. at pakiramdam ni tantan, madami syang matututunan. un nga lang, mas mahigpit ito sa oras. subalit, nagdadalwang isip kami. napakabuti nitong isa para basta bsta iwan na lang. si tantan, gusto nya lumipat. ako, sabi ko wag na. umabot pa kami sa punto na nagbunutan kami (ako, si tantan at si cayden) - ung bagong kumpanya ang nanalo. kakagulat lang din kasi ako lang ang nakabunot dun sa kasalukuyang kumpanya.

nagpaalam si tantan. nakakagulat, tinanong sya kung ano ang nais nya para lang mag stay sya sa knila. sabi ko ke tantan, wala na sa sweldo un dahil parehas lang halos ang ibibigay nila. sabi ko, sabihin nya ung offer nung kabila at sila na ang bhala magdesisyon kung ano kaya nilang ibigay. hindi necessarily na parehas na parehas d ba? sabi lang ni tantan, kung pd nila ilagay in writing ung sabi nila na constant review at ung sinasabi nilang in 6 months, pd sila magkaron ng profit sharing. tumanggi sila. kung sincere sila sa pagsasabi na ibibigay nila, bkt natatakot silang ilagay sa kontrata? hmmmnnn.....

sa dulo, pumayag na din sila na pakawalan si tantan. inisip na lang din namin na in the long run, mas makakabuti sa aming pamilya na lumipat na lang sya sa mas malaking kumpanya. nakakalungkot dahil naging mabait naman ung isa, at alam namin na malaki ang matutulong ni tantan sa knila (kaya nga ayaw syang pakawalan d b?). pero mas importante ang seguridad ng aming pamilya. un nga lang, posibleng magpahinga muna si tantan sa pagaaral dahil mahigpit sa oras ang bagong papasukan nya.

etong nakaraang linggo ay talaga namang naging napaka stressful (sa magandang paraan) para sa aming dalawa ni tantan. nakakatawa dahil inihalintulad pa ito ni tantan sa pakikipagkalas sa kasintahan. mahirap, masakit na desisyon (uhmnnn, base kaya ito sa experience?!). hindi namin inakala na magkakaron kami ng ganitong problema (napakagandang klaseng problema! - kakaiba) pero sa wakas, natapos din.

kami ay nagapasalamat sa dyos sa biyayang pinagkakaloob nya. sa panahon na ito, mahirap makahanap ng trabaho. at ang mabigyan ng oportunidad na mamili ng papasukan, isa talga itong biyayang hindi mapapantayan.

sana lang, tama ang aming naging desisyon.

fr andrew goenardi

0 comments:

Post a Comment